Pre-trial ng Ramgen case naudlot ng transport caravan

NAUDLOT ang pre-trial sa pitong akusad sa Ramgem murder case dahil sa hindi nakarating sa takdang oras ang prosecutor bunsod ng inilunsad na transport caravan ng transport group na PISTON.

Dahil hindi nakarating ang government prosecutor na si Apolinar Quitorio, hindi natuloy ang pre-trial sa pitong akusado na diringgin sana sa Parañaque Regional Trial Court (RTC) Branch 274 kaninang umaga.

Batay sa nakarating na impormasyong kay Judge Fortunito Madron, wala masakyan ang prosecutor patungong Parañaque mula Quezon City.

Uminit naman ang ulo ni Genelyn Magsaysay matapos sagutin ni Atty. Restie Mendoza, abogado ni Janelle Manahan, ang pahayag nitong dapat nang i-dismiss ng korte ang kaso laban sa kanyang mga anak dahil wala namang mga testigo sa kaso.

Itinakda ng korte ang pre-trial ng Ramgen murder case sa Lunes, Marso 19.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply