Pregnancy test, bago cosmetic surgery

APRUBADO na sa Kongreso sa ikatlong pagbasa ang panukalang batas na nag-uutos ng pregnancy test sa lahat ng babae na sasailalim sa cosmetic surgery.

Layon ng panukala na mabigyang proteksyon ang kalusugan ng mga babae at mapigilan ang anumang masamang epekto sa kalusugan ng sanggol sa sinapupunan ng isang ina.

Ani Rep. Mitz Cajayon, Chairperson ng House Committee on Globalization and WTO, ang kahalagahan ng pagsailalim sa pregnancy test kaya dapat lamang itong sanayin ng cosmetic surgery practitioners bago isagawa ito.

Nakasaad sa panukala na ang unang pagkakataong lumabag  nito ay mahigpit na papangaralan ang unang parusang ipapataw at itatala sa libro ng Professional Regulatory Commission (PRC) at Philippine Medical Association (PMA).

Pagmumultahin ng hindi bababa sa P5,000 pero hindi tataas sa P10,00 ang parusa sa second offense. At sa third offense ay pagmumultahin ng hindi bababa sa P10,000 pero hindi tataas ng P20,000 at suspensyon ng lisensya para ipagpatuloy ang kanyang propesyon ng 90 araw.

Isang taon namang titigil sa kanyang propesyon at suspensyon ng lisensya sa fourth offense na may multang hindi bababa sa P20,000 pero hindi naman tataas sa P30,000.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply