Preliminary investigation sa 58th victim ng Maguindanao massacre sinimulan na

SINIMULAN na ng Department of Justice (DOJ) kanina ang preliminary investigation sa ika-58 biktima sa Maguindanao massacre noong Nobyembre 2009.

Isinagawa ang imbestigasyon kay Midland Review journalist Reynaldo Momay dalawang buwan matapos umapela sa DOJ ang kanyang anak na si Reynafe na isama ang kanyang ama sa dalawang-taong-gulang na massacre case na kasalukuyang dinidinig sa Quezon City court.

Pinamumunuan ni Assistant State Prosecutor Bernardo Parico ang preliminary investigation.

Isinagawa ang preliminary investigation sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City, kung saan nakapiit ang mga suspek.

Kabilang sa mga suspek sa massacre sina Andal Ampatuan Sr. at ng kanyang tatlong anak nahaharap sa 57 counts of murder.

Aminado si Reynafe na ikinatuwa niya ang pagsulong ng kaso ng kanyang ama, at umaasa na magre-resulta ang preliminary investigation sa pagdagdag ng kanyang ama sa opisyal na bilang ng mga biktima sa massacre.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply