President Noynoy Aquino pangatlong boyfriend ni Grace Lee

AN INFORMANT told this columnist na if ever na true na may namumuong relasyon na sa pagitan nina Grace Lee at president Benigno “Noynoy” Aquino 111, bale pangatlong boyfriend na nito si PNoy.

Yes, kahit na may kamalditahan ang TV personality na ito ay may mga sumeryoso naman sa kanya at ang unang bf nito ay ang classmate niya sa St. Paul College, then ‘yung next relationship nito ay sa isang Chinese guy na mula sa rich family pero wala naman daw sariling yaman o datung!

Well, dagdag kuwento pa ng aming source, noong una ay okey naman ang samahan ng dalawa kaya lang puro yabang lang at porma ‘yung guy. Nang ma-turn-off sa kanya si Grace ay hiniwalayan siya nito.

Sa mga balitang well-off ang family ng kontrobersyal na girlfriend ni PNoy at may sariling grocery store supposedly ang Mommy nito, ayos naman daw ang kabuhayan ng pamilya nito pero hindi talaga sila mayaman.

Oh, Hayan! at least kahit papano nalaman nyo ang background ni Grace na balitang tsinugi na rin sa morning show nila ni DJ Mo sa Magic 89.9. Karma ba ang tawag diyan? Pero mananatili pa ring Kapuso si Grace kaya hindi totoong na-pirate na ito ng TV5. Good and right descision gyud!

***

Gov. Vilma Santos propesyonal at marespetong artista!

SI BATANGAS Gov. Vilma Santos pa na sugar and spice and everything nice ang iniintriga ng iba riyang tumanggi raw sa guesting para sa game show ni Rep. Manny Pacquiao na Manny Many Prizes sa GMA 7.

Papano nila nasabing tinanggihan ng Queenstar for all seasons si Manny eh, unang-una, hindi ito aware sa guesting na ‘yan. Pangalawa at panghuli never siyang nag-commit kay Manny o sa staff nito na lalabas siya sa nasabing programa.

Nakarating kay Gov. Vi na ang kanyang bise-gobernador na si Marc Leviste ang nakausap tungkol rito kung saan plano ng Manny Many Prizes na magkaroon sila ng live telecast sa Batangas kung saan kukunin nilang guest co-host ang

Para sa ikalilinaw pa ng isyung ito, narito ang maikling statement na ipinadala mismo ng Star For All Season sa mga ka-close na reporter. Basahin nyo ito gyud at tigilan n’yo na ang pang-iintriga kay Ate Vi na kilalang propesyonal at marespetong artista ng ating industriya,

“Tanggi is not the word. I wasn’t informed directly but thru Vice Leviste only. First, ang shooting days ko lang sa The Healing ay Thursdays and Saturdays. Committment na ‘yun at naka-calendar. Second, makakasabay ng show ng anak kong si Luis because of Kapamilya Deal or No Deal. Di ko naman magagawa ‘yun dahil anak ko ‘yun. So,’di tumanggi kundi hindi muna puwede. But Manny Pacquiao is a friend.

“Next time na lang siguro,” pagka-klaro pa ni Gov. Vi. Sa production people naman ng Manny Many Prizes, uli-uli kasi bago kayo maglagay ng press release sa mga tabloid na guest n’yo si ganitong celebrity, siguraduhin n’yo munang omoo o nag-commit ang mga ito sa inyo nang hindi naman kayo napapahiya sa inyong viewers. Loud and clear gyud!

***

Eula, Empress at Nikki mabubulabog ang mundo sa ‘Mundo Man Ay Magunaw’

NGAYONG pinaglapit na ng tadhana ang tunay na mag-iinang sina Olivia (Eula Valdes), Sheryl (Empress) at Jenny (Nikki Gil) sa de-kalibreng Kapamilya Gold teleserye ng ABS-CBN na Mundo Man Ay Magunaw, may panibagong pagsubok na naman ang nakatakdang harapin ng lahat.

Sa pagbabalik ni Dante (Emilio Garcia) sa buhay ng dating kasintahang si Olivia at asawang si Lani (Sylvia Sanchez), anong bahagi ng nakaraan ang magbabalik?

Mabuo na kaya nang pagdating ni Dante ang mga nawasak na buhay nina Olivia, Lani, Sheryl, at Jenny? O isang mas malaking gulo ang magaganap? Huwag palampasin ang painit nang painit na mga eksena sa Mundo Man Ay Magunaw, araw-araw, 2:30pm, pagkatapos ng It’s Showtime.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply