Preso nabagot, nagbigti sa loob ng selda

PATAY ang isang preso matapos magbigti sa loob ng kanyang selda sa Baguio City Jail nang abutin ng pagkabagot, iniulat ng pulisya.

Kinilala ang biktima na si Ramon Luna Finuliar, 22, tubong Narvacan, Ilocos Sur.

Hinala ng pulisya na nainip ang biktima sa haba ng kanyang sentensiya kaya mas minabuti na lamang nitong magpakamatay, ala-1 ng hapon kahapon, Miyerkules, Marso 21.

Inaalam naman ng awtoridad kung papaanong nagkaroon ng lubid sa loob ng kulungan ni Finuliar na siyang ginamit nito sa pagpapakamatay.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply