Preso sa Manila City Jail nagbigti

PATAY na nang maagpuan ang isang preso ng Manila City Jail (MCJ) matapos na magbigti sa loob ng banyo kagabi (Pebrero 29).

Kinilala ni P/Sr., Insp. Joey De Ocampo hepe ng Manila Police District (MPD)-homicide section ang biktima na si Robert Lyneil Refol, 23, inmate sa dorm 11 ng MCJ at nakatira sa No. 1690 Obrero st., Pureza Sta. Mesa Maynila.

Nabatid kay PO3 Alonzo Layugan, dakong alas-7:25 ng gabi ng makita ang biktima na nakabigti sa loob ng banyo ng nabanggit na dorm ng MCJ na matatagpuan sa Sta. Cruz Maynila.

Sa record, ang bikitima ay nakulong noong Agoso 2011 dahil sa kasong paglabag sa Batasang Pambansa 6 o pagdadala ng deadly weapon.

Hindi naman ito nakapagpiyansa kaya hindi na nakalabas pa ng kulungan hanggang nakita na lamang siya ng kanyang inmae na si Chard Verilao na nakabigti sa banyo.

Papasok umano si Verilao sa banyo nang makita ang biktima na nakabigti at nakapulupot sa leeg nito ang nylon cord na isinabit sa kisame.

Agad naman niyang ipingbigay-alam ang nakita sa mga jail guard na siyang nagtanggal sa tali at isinugod pa ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) pero hindi na naisalba ang buhay nito.

Nakarekober din umano ng suicide note sa tabi ng bangkay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply