Presyo ng gulay at manok tumaas din

NAGPAHAYAG ngayon ang pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagtaas na ang presyo ng manok at gulay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at pasahe.

Ayon kay Trade Undersecretary Zenaida Maglaya, nagtaas ng P5 hanggang P10 ang presyo ng mga agricultural product tulad ng gulay at manok.

Sa kabila nito, hind naman tumaas ang presyo ng mga process food.

Binigyan katuwiran pa ni Maglaya, na hindi ang pagtaas ng presyo ng langis ang dahilan ng paggalaw ng mga agricultural products.

Patuloy naman ang monitoring ng DTI sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

Batay naman sa pahayag ng manininda, napakamahal na ng presyo ng krudo na ginagamit nila sa pagbibiyahe sa kanilang produkto na nagmumula pa sa malayong lalawigan.

Bukod dito, mataas din ang kanilang ibinabayad sa toll gate at kakarampot lamang ang kanilang kinikita sa kanilang paninda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply