Presyo ng LPG bababa pa sa susunod na linggo

KAHIT sunod-sunod ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, magbabawas naman ng presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) simula sa susunod na linggo.

Ani LPG Marketers Association party-list Rep. Arnel Ty, aabot sa P7 bawat kilo o P77 ang matatapyas sa bawat 11-kilo ng LPG sa susunod na mga araw.

Ang rollback ay posibleng masundan pa sa Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo at Agosto dahil na rin sa pagbaba ng presyo nito sa lokal na merkado.

Sa kasalukuyan, ang 11 kilogram na LPG tank ay nagkakahalaga ng P775, habang umaabot naman sa P800 sa presyuhan ng malalaking oil companies.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply