Presyo ng LPG bumaba ng P1 kada kilo

KINUMPIRMA ni LPG Marketers Association (LPGMA) Rep. Arnel Ty na magkakakaroon ng rollback nang P1 kada kilo o P11 kada tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong araw, Marso 19.

Nabatid na nauna nang nagpatupad ng bawas-presyo ang Regasco company habang inaasahan namang ibababa rin ng ilang small LPG players na miyembro rin ng LPGMA ang presyo ng kanilang LPG.

Nagpatupad ng rollback sa LPG bunsod ng pagbaba ng presyo sa world market.

Mula sa dating $1,350 kada metriko tonelada ay bumaba na sa $1,220 ang contract price ng LPG sa pandaigdigang merkado.

inaasahan din ang panibagong rollback ng LPG sa mga susunod na buwan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply