Presyo ng pangunahing bilihin hindi tataas– DTI

BAGAMA’T patuloy sa pagtaas ang presyo ng produktong petrolyo, tiniyak naman ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang magaganap na pagtaas sa pangunhig bilihin

Ayon sa DTI, wala pang epekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sinabi ni Trade ang Industry Undersecretary Zenaida Maglaya na wala pa silang natatanggap na panibagong mga suggested retail price kaya sa ngayon ay mananatili pa rin ang dating presyo ng mga bilihin.

Gayunman sinabi ni Maglaya na posibleng tumaas din ang presyo ng tinapay.

Ito aniya ay matapos magmahal ang presyuhan ng kada tangke ng LPG.

Binigyan-diin ni Maglaya na mahigpit nilang binabantayan ang presyuhan ng LPG dahil ang mga panadero ang direktang tatamaan kung patuloy na magtataas ang presyo nito.

Umaasa naman si Maglaya na masasalo ng pagbaba ng presyo ng harina ang pagmahal ng LPG upang hindi magkaroon ng taas presyo sa mga produktong tinapay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply