Presyo ng semento, sumirit na rin

BUKOD sa pagtaas ng petrolyo, cooking gas, tubig, sardinas pati na ang nakaambang fare hike, at iba pang bilihin, tumaas na rin ang presyo ng semento sa nga hardware.

Ito ang kinumpirma ngayon ng Department of of Trade and Industry (DTI).

Ipinaliwanag ng DTI na sa tuwing pumapasok ang panahon ng tag-init, ito rin ang panahon na marami ang itinatayong construction gaya ng bahay, gusali at iba pang imprastraktura.

Ayon kay kay DTI Usec. Zeny Maglaya, mula sa dating presyong P190 hanggang P195, pumapalo na sa P200 ang bawat sako ng semento.

Samantala, nilinaw ni Maglaya na nananatiling stable ang presyo ng iba pang construction materials gaya ng yero at steel bars. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply