Presyo ng tahong balik normal na

BUMABALIK na sa normal ang presyo ng tahong makaraang bumagsak ang presyo nito noong Sabado.

Sa Muñoz Market sa Quezon City ay mabibili nang muli sa P80 hanggang P100 kada kilo ang tahong, na bumagsak sa P20 kada kilo noong Sabado sa Malabon Fish Port.

Ito’y sa pangamba na rin ng mga mamimili na kontaminado ng red tide ang tahong na ibinabagsak sa Malabon Fish Port.

Ikinagalit naman ito ng mga tindera sa pagsasabing hindi sila apektado ng red tide mula Bataan dahil ang kanilang mga tahong ay sa mga baklad sa Malabon nila hinahango.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply