Price hike sa gulay, isda nakaamba

ASAHAN na magtataas ang presyo ng gulay at isda, ayon sa Department of Trade and Industry.

Ito ay dahil sa inaasahang malaking demand sa nasabing isda at gulay sa merkado ngayong Semana Santa.

Gayunman, ani Trade Undersecretary Zenaida Maglaya, na patuloy ang monitoring ng Kagawaran upang matiyak na hindi naaabuso ng ilang mga negosyante ang mga mamimili.

Nagpaalala rin si Maglaya sa publiko na sakaling maka-encounter ng abusadong negosyante ay maaaring tumawag sa kanilang tanggapan sa numerong 751-3330 para magreklamo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply