Prime Minister ng Czech Republic darating ngayon sa bansa

BIBISITA ng tatlong araw ang Czech Republic’s First Deputy Prime Minister at Foreign Minister Karel Schwarzenberg sa Maynila, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Opisyal na pagbisita umano ang pagdating nito at sasamahan umano ng mga opisyal ng Czech Ministry of Foreign Affairs at delegasyon ng mga pangunahing negosyanteng Czechs.

Nakatakdang dumating ang mga ito sa Villamor Air Base ngayong umaga sakay ng isang chartered flight at sasalubungin ng mga opisyal ng DFA sa pangunguna ni Secretary Albert del Rosario.

Ang pagbisita umano ay ayuda matapos ang ginawang pagbisita ni Deputy Foreign Minister Tomás Dub sa Maynila noong Disyembre at dating Czech Prime Minister Jan Fischer noong 2009.

Makikipagkita rin si Schwarzenberg kay Pangulong Benigno Aquino III at sa mga opisyal ng pamahalaan tulad ni Senadora Loren Legarda, House Speaker Feliciano Belmonte, at mga opisyal ng Department of Trade and Industry, Department of National Defense, Department of Transportation and Communications, Department of Finance at Bangko Sentral ng Pilipinas.

Aktibo ang kalakalan ng Pilipinas at Czech Republic. Sa katunayan, umabot sa $300 milyon ang transaksyon dalawang bansa noong 2011 kumpara sa $218 milyon noong 2010.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply