Prime mover vs multicab: 4 patay, 2 grabe

NASAWI ang apat habang dalawa naman ang nasa malubhang kalagayan makaraang magbanggaan ang isang prime mover at multicab sa Barangay Carpenter Hill, Koronadal City kaninang madaling araw, Marso 26.

Nabatid na pasado alas-4:00 nang banggain umano ng prime mover ang multicab.

Ligtas naman ang driver ng prime mover na may plate # MWD-195.

Sa inisyal na imbestigasyon, iniwasan ng prime mover ang isang motorsiklo na naaksidente na naging dahilan ng pagkabangga nito sa multicab na may biyaheng mula sa Ampatuan Maguindanao patungong Tacurong City.

Ayon kay Brgy. Chairman Junel Magbanua ng Brgy. Koronadal Proper, Polomolok, South Cotabato, kanilang nadaanan ang nasabing aksidente habang sila ay bumibiyahe patungong hospital upang ihatid ang kanilang pasyente, kaya’t sila ang unang rumesponde sa mga biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply