Probisyon sa Saligang Batas amiyendahan na

DAPAT nang amiyendahan ang mga probisyon sa Saligang Batas na may kaugnayan sa politika.

Ayon kay Senador Edgardo Angara, panahon na para repormahin ang sistema ng politika sa Pilipinas.

Isa sa mga tinukoy ng senador na problema sa pulitika ang kawalan ng bansa ng organisadong sistema sa mga partido politikal.

Kumbinsido rin si Angara na sa panahon ng Ramos administration na dapat nang buwagin o ireporma ang party list system.

Giit ng senador, kung babaguhin ang sistema ng pulitika ay dapat itong maging komprehensibo sa halip na paisa-isang amiyenda.

Ang pahayag ni Angara na dapat nang ireporma ang sistema sa politika ay taliwas sa napagkasunduan ng liderato ng Senado at Kamara na tanging economic provisions ang kanilang aamiyendahan sakaling matuloy ang charter Change.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply