Problema sa langis malalampasan- M’cañang

MALALAMPASAN ng bansa ang patuloy na problema nito kaugnay sa pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sinabi kagabi (Marso 16) ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na puspusan ang ginagawa ng kanyang administrasyon para maisulong ang mga alternatibong enerhiya.

Tinukoy ng Punong Ehekutibo ang renewable energy kung saan maliban sa pagiging malinis, hindi rin ito nakadepende sa inaangkat na langis.

Sa katunayan, binigyan na ng Chief Executive ng direktiba ang National Economic Development Authority (NEDA) na tapusin ang pag-aaral sa e-tricycle program kung saan imbes na gasolina, ay kuryente na ang gagamitin ng mga tricycle.

Ayon pa sa Pangulo, nakita nilang long-term solution ang natural gas, na sinasabing mayaman ang Pilipinas, at pagpapalakas sa hydroelectric power plants.

Gayunman, ang gas exploration na ikinakasa ng Department of Energy (DOE) sa Recto Bank ay hinaharang ng Taiwan, na isa sa mga claimant sa West Philippine Sea (Spratlys).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply