Problemado sa pera, estudyante nagbigti

DAHIL sa problema sa pera kaya nagawang magpakamatay ng dalagitang graduating student sa Albay.

Nabatid na ang biktima na itinago sa pangalang Amor ay 4th year high school student ng isang pribadong paaralan sa Legazpi, natagpuang nakabigti gamit ang alambre.

Sa imbestigasyon, nabatid na bago ang insidente ay napagalitan ang biktima ng kanyang mga magulang dahil sa pagkakagasta sa ibinigay na pera na ipambabayad sana ng tuition fee nito.

Hinala naman ng pulisya na posibleng dala ng hiya kaya nagawang magpakamatay ng biktima lalo na at napag-alamang inutang lamang iyon ng kanyang mga magulang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply