Programa sa biktima ng exploitation, child labor hiniling

NANAWAGAN si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa pamahalaan na gumawa ng isang komprehensibong programang magbibigay proteksyon at karapatan sa dumaraming bilang ng mga kabataan na biktima ng exploitation at child labor.

Ang pahayag ng senador ay dahil na rin sa ulat ng International Labour Organization (ILO) na umaabot na sa kabuuang 2.4 million kabataan nasa edad siyam hanggang 17 taong gulang ang nagtatrabaho na.

“Despite being a signatory to various ILO Conventions that prevent child labor, the Philippines is known to have one of the largest number of child laborers in the world,” giit ng senador

Dahil dito, kinalampag ni Cayetano, ang Department of Social Welfare and Development at Department of Labor and Employment na magsagawa ng nationwide campaign na lilikha ng kaalaman kaugnay sa child labor at exploitation para maprotektahan ang mga kabataan.

“We need to see more government agents checking on industries that hire child laborers and in communities where parents are known to force their children to seek employment, “ ani Cayetano.

Kasabay nito, sinabi ng senador na dapat paghandaan din ng pamahalaan ang pagbibigay suporta sa rehabilitasyon ng mga bata at magulang.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply