Propaganda na survey inalmahan ng M’cañang

PINALAGAN ng Malakanyang ang ulat na propaganda lamang ang inilabas na resulta ng survey ng Pulse Asia na nagpapakita ng magandang rating nina Pangulong Benigno Aquino III at Vice-President Jejomar Binay.

Ang katwiran ni Presidential spokesman Edwin Lacierda, talagang nagsasagawa ng quarterly survey ang Pulse Asia na tinawag na Ulat ng Bayan kaya malabong sabihin na ang gobyerno ang may pakana ng survey.

Ukol naman aniya sa usapin ng ekonomiya ay sinabi nito na patuloy na gumaganda ang kalagayan ng ekonomiya dahil na rin sa tinutugunan ng gobyerno ang anumang problemang kinahaharap nito.

“We, however, would like to point out the positive indicators that we have recently experienced—the inflation rate is down, unemployment is down, and then stock exchange has reached a new high—so these are indicators which we can…which we would like to show the people. Again, the CCT program marches on. We continue to address the concerns. But to say naman that the economy is bad, that is unfair naman for Professor Benito Lim to say that considering he is first and foremost a political scientist rather than economist. And we can certainly argue with him on that point,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.

Itinanggi naman ni Sec. Lacierda ang ulat na nakipagkita si Ana Maria ng Pulse Asia sa isa mga opisyal ng Malakanyang dahil nakita sa gusali ng Palasyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply