Prosekusyon nagdagdag ng bagong abogado

NAGDAGDAG ng bagong abogado ang prosekusyon.

Ang idinagdag ay si Atty. Rex Rico, batay na rin sa Entry of Appearance na isinumite ng prosekusyon.

Si Atty. Rico ang papalit kay Atty. Vitaliano Aguirre na na-contempt sa impeachment court dahil sa pagtatakip ng tenga habang nagsesermon si Senadora Miriam Defensor-Santiago.

Samantala, tahasang sinabi ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, na malinaw para sa prosecution team na isang impeachable offense ang hindi malinaw na deklarasyon ni Chief Justice Renato Corona sa kanyang SALN.

Ayon kay Colmenares, matibay na batayan para mapatalsik ang punong mahistrado dahil hindi malinaw ang idineklara sa kanyang SALN, kung saan pinababa ang mga halaga ng kanyang mga condominium at lupain, at hindi pagkakatugma sa kinikita nito.

Giit ni Colmenares, hindi sapat na dahilan ang hindi sinasadyang pagkakamali sa kanyang SALN at kahit magpa-tumbling-tumbling aniya ang punong mahistrado ay hindi pa rin ito magtutugma.

Hindi rin aniya isang simpleng pagkakamali ang ginawa ni Corona, kundi aniya, ay sadya ito dahil sa ilang milyong pisong agwat ng ari-arian sa tunay na kinikita nito. Hindi rin aniya inilgay ni Corona ang kanyang bank accounts sa SALN.

Sa ika-31 araw ng paglilitis laban kay Corona, ibinasura ng impeachment court ang oposisyon ng prosekusyon sa pagsusubpina sa administrator ng Land Registration Authority (LRA).

Ito ay nangangahulugan na isusupbina na at pahaharapin ng impeachment court si Atty. Eulalio C. Diaz III, administrator ng LRA, batay na rin sa kahilingan ng depensa.

Si Diaz ay kabilang sa listahan ng depensa sa mga dapat ipasubpina upang patunayan na hindi aabot sa 45 ang mga ari-arian ni Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply