Prosekusyon pinayuhan na habaan ang pasensya

‘HABAAN ang pasensya,’ ang ipinayo ni House Majority Leader Neptali Gonzales sa prosekusyon kapag humaharap sa impeachment court.

Ito ay kasunod ng pag-contempt ng Senado sa isa sa mga private prosecutor na si Atty. Vitaliano Aguirre dahil sa pagtatakip ng tenga habang nagse-sermon si Senator-judge Miriam Defensor-Santiago.

Ani Gonzales, dapat dagdagan pa ng miyembro ng prosekusyon ang pasensya kahit sa mga panahong pumupuna ang mga senator-judge.

Ngunit aminado si Gonzales na ikinagulat nila ang ginawa ni Aguirre dahil walang nag-akala na hahantong sa ganito ang sitwasyon.

Subalit hindi rin lubos na masisisi ng prosekusyon si Aguirre sa ginawa nito pero tiniyak nila na hindi na ito mauulit pa.

Hanggang ngayon ay wala pang pinal na desisyon ang prosecution panel kung tatanggalin na si Aguirre sa team bagama’t may pahayag na ang abogado na boluntaryo na itong hindi dadalo sa paglilitis.

Magtatalaga pa ang prosekusyon ng isang abogado na makikipag-usap kay Aguirre hinggil dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply