Proyekto binababoy

MARAMI tayong nararaanan na proyektong pangkalsada.

Sa mga lalawigan at sa Metro Manila.

oOo

Sa Metro Manila, me gumagamit ng bakal bilang gulugod ng kalsada o pandugtong ng mga tagiliran ng mga ito.

Kaya naman matitibay o hindi gaanong nasisira ang mga ito sa loob ng maraming taon.

Pero meron ding hindi gumagamit ng bakal para mananatiling buhay ang mga peborit at alagang kontraktor nina Mayor at Kongresman.

Wha na ngang bakal, malasado pa ang timpla ng  buhangin, bato at sabistandard na semento.

Ano nga naman ang mangyayari kung magtatagal na maganda ang kalsada sa loob ng siyam na taong termino ng mga onorabol na ‘to?

Wha kita!

oOo

Sa prabinses at kanayunan, ibang-iba ang paggawa ng mga kalsada.

May kakilala tayong kongresman na siyam na taon ang pagpapasemento niya sa isang kalahating kilometrong kalsada.

Dalawa hanggang apat na pulgada lang ang kapal noon.

Kaya naman, kung may naglalabing-labing na pusa at naapakan ang kalsada, nagbibitak kaagad.

Kapag traysikel ang dumaan, lalong nagkakabitak-bitak ito.

At kung damtrak na ang dumaan, nakupo, lumulubog na sa lupa ang sementadong kalsada.

oOo

Sa prabinses at kanayunan pa rin, ang lalaki ng mga trak na dumaraan sa mga kalsadang nasyonal, probinsiyal at munisipal.

Pinakamalalaki ang mga 28 wheeler trak na may kargang 2,000 sakong bigas o 4,000 supot ng semento.

Kaya naman, nagigiba ang mga kalsada at tulay na kanilang dinaraanan.

Pero alam ba ninyo ang mga kalsadang pinaga-gawa nina kongresman, gobernador at mayor?

Pang 6-wheeler lang at ang mga tulay ay pang-5 o 10 tonelada lang.

Wha pang bakal.

Eh paano, kung gagawa nga naman sila ng matitibay na daan at tulay, wha silang tuloy-tuloy na hanapbuhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply