Publiko bawal maligo sa Manila Bay

NAGPAALALA ang lokal na pamahalaan ng lungosd ng Maynila sa publiko partikular na sa mga Manilenyo na huwag maligo sa Manila Bay dahil polluted na ang tubig nito.

Batay sa pagsusuri ng Department of Health (DOH), kontaminado na ang tubig sa Manila Bay kaya naman delikado na sa kalusugan ang paliligo rito bukod pa sa napakaraming lumulutang na basura.

Nabatid na ilan lamang sa mga sakit na maaring makuha ng tao mula sa paliligo sa maruming tubig sa Manila Bay ay ang sakit sa balat at amoebiasis.

Dahil dito, nagbabala si Manila Mayor Alfredo Lim sa publiko na huwag nang maligo sa lugar  lalo na ngayong mainit ng panahon.

Upang mapigilan ang paliligo ng tao sa Manila Bay, may ilang pulis at mga city hall employees na umano ang nagbabantay sa ilang lugar sa Manila Bay upang pigilan ang mga tao na maligo doon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na pinagbawalan ng Manila City Government ang publiko na maligo sa Manila Bay.

Noong nakaraang taon, inialok pa ng pamahalaang lungsod ang lahat ng public pools sa Maynila sa mga residente na nais mag-swimming.

Nabatid na may apat na malalaking swimming pools ang lokal na pamahalaan ng Maynila at libreng pagliguan ng mga residente, kasunod na rin sa direktiba ng alkalde. Kabilang na dito ang swimming pool na nasa Dapitan Sports complex, na matatagpuan sa panulukan ng Dapitan at Piy Margal; Army Navy Club sa Ermita; Jose Siria Cruz at Selya streets sa Pandacan; at Bagong Buhay Pool sa Pedro Gil Street, na matatagpuan sa harap ng La Concordia College.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply