Publiko pinag-iingat sa mga sakit sa tag-init

PINAG-IINGAT ng Quezon City government ang mga residente ng lunsod laban sa mga sakit na nakukuha sa panahon ng taginit kabilang ang heat related illness.

Sa regular staff meeting kaninang umaga, ipinarating ni QC health department chief Dr. Antonietta Inumerable kay Mayor Herbert M. Bautista na ang kanyang tanggapan at ang mga  health centers sa iba’t ibang barangay ay handa para tumangap ng mga pasyenteng mayroong common diseases ngayonng panahon ng tag-init tulad ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke; conjunctivitis; chicken fox; allergy/skin rashes; skin cancer (melanoma); respiratory infections; pneumonia; food-borne sickness like food poisoning; water- borne diseases like  gastroenteritis; dengue fever; at dog bites.

Sinab ni Inumerable na ang city health department ay may sapat na mga gamot na nakaimbak sa city’s central warehouse na tatagal ng hanggang Hunyo 2013.

Kabilang sa mga gamot na handa nilang ipamahagi ay ang  antibiotics, analgesics/antipyretics, anti-asthma, at anti-hypertensive. Mayroon din ang mga gamot na nabanggit sa health centers, banggit ng naturang health department head.

Hiniling din ni Inumerable sa mga residente ng lungsod na magkasa ng preventive measures para makaiwas sa  health risks at discomforts ngayong buwan ng bakasyon.

Para makaiwas sa mga nabanggit na sakit, ipinaiiwas ni Inunerable sa mga residente ng lunsod na iwasan ang outdoor activity sa oras na nakatirik ang araw; uminom ng maraming tubig lalo na kapag nagtatrabaho sa labas ng bahay; palaging basain ang katawan ng tubig kapag nagtatrabaho sa labas ng bahay at uminom ng tubig bago pa makaramdan ng pagkauhaw; iwasan ang magpapawis sa mainit na mga panahon o  oras; iwasang uminom ng alak, kape at soda; magsuot ng light weight, light-colored, loose-fitting clothes; at magsuot ng sunglasses at sumbrero para maprotektahan ang mata ang ulo sa araw. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply