Pudpod na walis at kariton na wasak ng DPS – City hall

BASAHIN natin ang reklamo ng mga street sweeper ng Department of Public Service (DPS) ng Manila City Hall.

Gandang gabi po, may gusto lang po akong iparating kina Manila Mayor Fred Lim at Ret. Col. Caloy Baltazar na DPS head. May nakapagkwento sa akin na may mga naka-assign sa Vito Cruz na 1 month nang nagtitiis sa pagwawalis at paghahakot ng basura sa kahabaan ng Taft Avenue, Manila.

Ang sinasabi kong pagtitiis ay paggamit ng sweepers ng walis tingting na pudpod na. Imbes na 1-2 oras lang ang walisan at pagdakot nila ng basura ay nagiging 5-7 oras.

‘Yung mga basurang nadadakot umano ay buhat-buhat pa ng mga sweeper dahil ‘yung kariton na gamit nila ay bulok na.

Kahit anong remedyo ang gawin ay hindi na talaga pwedeng gamitin.

Ilang ulit na umano nilang binanggit sa acting foreman nila na si Ronilo delos Reyes ang nangyayari ngunit hindi naman umano inaaksyunan. Palibhasa hindi talaga umano siya foreman kundi driver lang  pero kung makaasta ang balasubas na ito ay parang isang ‘hari.’

Ang masakit pa nito, sinabi raw nitong si Delos Re-yes na sinabihan daw siya ni Elnora Bodino, Public Service Officer 3-OIC ng DPS sa District V na abonohan daw na muna ng mga sweeper ‘yung walis tingting na ga-gamitin nila. Ang liit na nga raw ang sahod nila pag-aa-bonohin pa sila.

SAUNA BATH DISCO SA PASAY CITY

Bombaztic Disco sa Roxas Blvd. sa Pasay City   ang ‘front’ pero Bombaztic Sauna Health ang main business ng nasabing establishment. Grabe ang prostitution sa sauna na ito. Pag pumasok ka sa sa-una ay diretso na ang pakikipag-sex mo sa mga masahista sa sauna.

Ano ba naman ‘yan, Mayor Tony Calixto?

Anomang reklamo o puna ay itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply