Puerto Princesa Underground River, dinadagsa na ng mga turista

Puerto Princesa Underground River ang pinakamalaking siyudad sa bansa na higit kumulang 250,000 hectares ang lawak! Wala pang 20% nito mapagkakasya na ang buong Metro Manila sa natatabing municipalities.

Ang Puerto Princesa ay tinatawag na “City in the Forest” at itinuturing cleanest and greenest city sa buong bansa. Higit 70% o 2/3 nito ay nababalutan ng makakapal na kagubatan kaya ang simoy ng hangin at ang quality of life ay talagang nakakaakit sa turista na ngayon ay abot na sa isang milyon kada taon.

Ang La Venta Geopraghical Association ay binubuo ng Italian Scientists at Researchers ang nagsisilbing susi sa mga bagong kaalaman na magbibigay daan para lalo pa nating maintindihan ang mga nangyayaring pagbabago sa mundo at sa ating kalikasan.

Ayon sa La Venta, espesyal ang PPUR dahil ito ay nagtataglay ng mataas na level ng enerhiya na nagbibigay dito ng “resistance” sa epekto ng turismo.

Nakadiskubre rin sila ng sampling ng minerals na hindi pa natutuklasan sa ibang parte ng mundo. Dahil sa natatanging karts morphologies na natagpuan sa kuweba, lubos na mapag-aaralan ng La Venta ang relasyon sa pagitan ng tides at daloy ng tubig sa ilog.

At isa sa mga kahanga-hangang nakita at sinuri ng husto ng La Venta explorers, upang makasiguro sila sa “scientific discovery” nila ay fossilized bones or mga butong tumagal ng ilang milyong taon ng isang sea mammal na kilala sa pangalang dugong.

Ang PPUR nagtataglay ng natatanging cave formations na inukit ng milyon-milyong panahon ng ebolusyon.

May natuklasang mineral deposits na hindi matatagpuan sa ibang lugar at ngayon lang natuklasan sa loob ng kweba. Dahil sa balanseng temperature ng kweba, ang mga fossils o buto ng Sirenia na namatay higit 20 milyon years ago, ay nakabaon sa mga tabing dingding ng kweba ay natagpuan sa magandang kondisyon ng La Venta!

Unang naitalaga bilang St. Paul Subterranean National Park noong Marso 26, 1971 sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 835 ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Noong 1992 to 1998 nilakad ni Mayor Edward Hagaedorn na malipat mula sa national government ang pag mamanage nitong national park. Mula noon, mas lalong maayos at mahigpit ang pagsasaayos at pagpapatakbo ng PPUR sa pamamagitan ng Protected Area Management Board ng PPUR.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply