Pugot na ulo ng lalaki binitbit ng aso sa Ilocos

NATAGPUAN ang bangkay ng isang lalaki matapos bitbitin ng isang aso ang kanyang pugot na ulo sa Bgy. Maynganay, Santa Maria, Ilocos Sur.

Kinilala ang may-ari na si Ferdinand Romero sa pamamagitan ng kanyang pang-ibabang damit na kinilala naman ng kanyang ina.

Nabatid na nakita ang ibang bahagi ng katawan ng biktima na naaagnas na sa isang tubuhan sa nasabing lugar.

Lumalabas na noon pang Marso 5, 2012 nawawala ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung sino ang pumatay sa biktima at ano ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply