Pulis Kyusi tigbak sa pamamaril

UTAS ang isang pulis Quezon City makaraang barilin ng hindi nakikilalang salarin kaninang tanghali.

Kinilala ang biktima na si Police Officer 2 Olsim Salih, miyembro ng PNP at nakatalaga sa Quezon City Police District station 12 Libis ng Balara, QC na nasawi noon din dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.

Ayon kay SPO2 Roldan Dapat, QCPD – Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naganap ang insidente dakong 12:30 ng tanghali sa harap ng Police Community Precient 2 (PCP 2) QCPD 3 Culiat, Tandang Sora,QC.

Sinabi sa ulat na kalalabas lamang sa naturang presinto ng biktima matapos umanong i-turn over ang kanyang hinuli sa loob ng Salam Mosque Compound Tandang Sora, QC, nang pagbabarilin umano ng hindi pa nakikilalang salarin.

Sinabi sa ulat na agad naglabasan ang mga pulis sa naturang presinto subalit nakita na lamang ng mga ito ang biktima na nakahandusay sa lugar at naliligo sa kanyang sariling dugo at wala nang buhay.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga pulis para madakip ang salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply