Pulis Maynila huli sa pangongotong

NASA kostudiya ngayon ng Manila Police District-General assignment section (MPD-GAS) ang isang pulis Maynila matapos ireklamo ng isang Korean na kanya umanong hinulidap habang naglalakad sa Ermita, Maynila.

Nahaharap sa kasong robbery extortion at posible pang masibak sa serbisyo ang suspek na si PO1 Raul Gayda Declaro, nakatalaga sa Manila Police District (MPD) District Mobile Patrol Unit (DMPU), ng MB 33 Room 405, BCDA Kayamanan Diego Silang, Barangay Ususan, Taguig City dahil sa reklamo ng biktimang si Choi You Kyung, 27, accountant.

Batay sa isinumiteng ulat ni SPO1 Abelardo Aguilar kay C/Insp. Marcelo Reyes, hepe ng MPD-General Assignment Section (GAS), dakong alas-4:00 ng madaling araw kahapon (Marso 8) nang maganap ang insidente sa Mabini St., Ermita.

Sa reklamo ng biktima naglalakad ito sa nabatid na lugar nang sitahin ng suspek habang sakay ito ng isang mobile car (SJA 909).

Hinanapan umano ng suspek ng identification card ang biktima upang hindi ito arestuhin ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay pinigil ang naturang Koreano at palalayain lamang umano ito kung magbibigay ng halagang P10,000 sa nauna.

Wala umanong bitbit na malaking halaga ang biktima kaya nagkasundo sila sa halagang P3,000 para makalaya ang Koreano.

Matapos nito, humingi ng tulong sa Korean embassy ang biktima na siya namang tumulong dito upang ipagbigay alam sa himpilan ng MPD-GAS ang naganap na insidente.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ni C/Insp. Reyes na nagresulta sa pagkaka-aresto ng suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply