Pulis utas sa boga ng sinita

UTAS ang isang pulis matapos itong barilin ng malapitan ng sinitang motorista na walang helmet sa kahabaan ng Road 10 Northbay Boulevard South Navotas City, kaninang madaling araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng kalibre 45 sa tiyan at sa kamay si P01 Christopher Estur, nakatalaga sa Mobile Patrol Unit ng Navotas police at residente ng Abalos Bukid Gumamela St., Marulas Valenzuela City.

Mabilis namang tumakas ang suspek nang maisagawa ang krimen habang naiwanan ang kanyang Kawasaki motor na may plakang 4373 OD.

Ganap na alas-12:15 ng kaninang madaling araw nang maganap ang krimen nasabing lugar.

Nabatid kay Supt. Florendo Quebuyen, hape ng Navotas police, sinita ng biktima ang suspek dahil walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Hindi akalain ng biktima na sa halip na driver license ang binunot ay isang kalibre 45 baril na agad ipinutok sa kanya.

Narekober ang nasabing motorsiklo matapos itong iwanan ng suspek na mabilis na tumakbo sa madilim na bahagi ng iskinita.

Tinutugis na ang tumakas na suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply