Pulis utas sa ambush sa Caloocan City

HINDI na umabot ng kanyang birthday ang isang pulis matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki habang sakay ang una ng kanyang kotse sa Caloocan City, kaninang hapon.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si PO3 Manolo Caoili, 42, nakatalaga sa Highway Patrol Group Motor Clearance sa Pasig City.

Sa ulat, alas-4 ng hapon, dala ng biktima ang kanyang kotse habang sakay ang kaibigan na lalaki at pagsapit sa 10th Avenue ng lungsod ay hinarang at pinagbabaril ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC kung saan nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

Nabatid na birthday ng biktima bukas Marso 24, 2012

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply