Pulitiko bawal sa graduation?

MARAMING prinsipal at titser sa mga pablik iskul ang umaangal sa utos ni Bro. Armin Luistro na pagbawalan ang mga pulitiko na maging ges ispiker sa kanilang araw ng gradwesyon.

Tila mababaw umano ang pag-unawa ng DepEd secretary sa kalagayan at pangangailangan ng mga iskul.

oOo

Tanong ng mga prinsipal at titser…at mga magulang na rin…: paano kung gradweyt ng sarili nilang iskul ang pulitiko?

Kung maganda ang rekord ng pulitiko, paano umano ang aral sa buhay na gustong malaman ng mga mag-aaral mula rito?

Kung nakatutulong o makatutulong naman ng malaki ang pulitiko, paano umano ang oportunidad ng eskwela at mga mag-aaral?

Kung gradweyt ang pulitiko sa iskul na doon siya mag-iispits, pagkakataon na maipakilala at maipagmalaki ito sa iba.

Karaniwan ding ito ang inaasahang makapagpapatayo ng iskul bilding o makapagbibigay ng mga kompyuter, libro o maramihan o malakihang tulong para sa iskul.

Paano mo nga namang basta dedmahin na lang ang produkto o anak ng iskul mong naging Pangulo, senador, kongresman, mayor, tserman at iba pa?

oOo

Kasabay ng angal ng mga titser at prinsipal ang pagtataas nila ng kilay kung ang kanilang mga ges ispiker ay mga matataas na opisyal ng DepEd at mga pari o ministro at madre.

Aba, lahat ng ito ay umaasa umano ng malalaking bayad.

May pasalubong na, may pakain at pabaon pa.

Eh ipinagbabawal ng DepEd ang kontribusyon para sa gradwesyon.

Saan umano sila kukuha ng pampakunsuwelo de bobo sa mga taga-DepEd, simbahan at iba pa na umaasa ng mahal ng bayad sa ispits nila at pagiging bisita?

O Sekretari Armin Luistro, paano ang mga prinsipal at titser mo?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply