Pumasok na turista sa bansa umangat

NAITALA ng Pilipinas ang pinakamataas na bilang ng mga turistang pumasok sa bansa nitong Enero, ayon sa ipinalabas na datos ng Department of Tourism (DoT) ngayong araw.

Batay sa datos, umabot sa 411,064 na turista ang bumisita sa bansa, mas mataas ng 17.5 porsiyento sa naitalang 349,713 sa kaparehong buwan noong 2011.

Nanguna sa listahan ang mga taga-South Korea kung saan umabot sa 102,166 ang mamamayan nito ang bumisita sa bansa, kasunod ang mga Amerikano sa bilang na 63,160.

Pumangatlo naman ang taga-mainland China na umabot sa 42,868 residente ang nagpunta sa Pilipinas upang ipagdiwang sa bansa ang Chinese New Year.

Pumang-apat naman ang mamamayan mula sa Japan sa bilang na 32,089 habang pumanglima naman ang mga Taiwanese nationals sa bilang na 21,995.

Hindi kasama sa nasabing bilang ang Balikbayan at mga dating Pilipino.

Sinabi pa ni Tourism Secretary Ramon Jimenez na ito na ang pinakamataas na bilang ng bumisitang mga banyaga sa kasaysayan ng turismo sa Pilipinas.

Umaasa rin si Jimenez na malalagpasan ng Pilipinas ang itinakdang target na 4.6M turistang papasok ngayon taon.

Naniniwala pa si Jimenez na ang pagtaas ng bilang ng mga pumasyal na banyaga sa bansa ay bunsod sa inilunsad na ‘It’s More Fun in the Philippines’ tourism campaign ng kagawaran.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply