Pumatay sa Pinay hinatulan ng bitay sa Singapore

HINATULAN nang kamatayan ang isang Indian national makaraang mapatunayang nagkasala sa pagpatay sa isang overseas Filipino worker (OFW) sa Singapore.

Batay sa desisyon ng hukuman ang akusado na si Bijukumar Remadevi Nair Gopinathan ay walang dudang pumatay sa biktimang Pinay na kinilalang si Rosalyn Reyes Pascua.

Si Pascua ay namatay nang walang awang pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa desisyon ng korte, lumalabas na inamin ng akusado ang krimen pero hindi sinabi ang motibo sa pagpatay sa biktima.

Si Pascua ay nadiskubre sa kanyang inuuphang silid sa Peony Mansion, Bencoolen Street noong nakaraang Marso 15, 2010 na tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply