Puro kalokohan wala namang binatbat: Azkals na-challenge sa mga patutsada

MARAMI ang nagbubunyi dahil sa pagkakapasok ng Philippine Azkals sa semifinals nang talunin nila Tajikistan’s Persian Lions sa 2012 AFC Cup na ginawa sa Kathmandu, Nepal.

Ang score ay 2-1 pabor sa Pilipinas. At ang kumana ng panalong ito ay sina Phil Younghusband at ang kontrobersyal na si Angel Guirado, uncle ni Coleen Garcia.

At dahil dito, medyo nakabawi raw sa kahihiyan si Angel. At least, hindi lang pala siya sa kabastusan pamoso kundi maging sa pagsipa ng bola.

Hindi raw birong kalaban ang Tajikistan dahil naging kampeon na ito noong 2006. Imagine, tinadyakan lang sila palabas ng semifinals ng grupo ni Phil. Bale makakasama ngayon ng Azkals ang Korea, Palestine at Turkmenistan sa mga huling yugto ng sipaan.

Sa March 16 ang sunod na laban nila kontra sa Turkmenistan.

Anyway, na-challenge raw ang ilang member ng team na hindi purong Pinoy dahil sa balitang ididispatsa na sila at pauuwiin na sa kanilang mga pinagmulan dahil nga sa mga hindi magandang pinaggagagawa nila sa mga babaeng Pinay.

Lumalabas kasing parang mga laruan lang ang tingin nila sa mga kababaihan natin. Sinasabi nga sa mga unang tsismis sa kanila na ‘yung isang modelo ay pinilahan daw nila at maging ‘yung isang sexy actress pagkatapos nilang lasingin, at may ilan pang chicks na hindi na lamang kumibo. Tapos heto’t ultimo ang dating anak ng presidente na si Cristy Ramos ay binastos pa raw ng dalawa sa kanila (Angel and Lexton Moy).

Dapat at karapat-dapat ngang magpakita na sila ng bangis sa laro nang makapag-uwi naman sila ng karangalan, hindi kahangalan.

***

Aktres likas ang kaelyahan

TAMA ang obserbasyon ng nakararami, hindi kayang mabuhay ng aktres na walang lalaking nakakabit sa buhay nya.
Kailangan pag nawala ang isa may kapalit agad. At walang ka-trauma-trauma ang hitad kahit pa hindi maganda ang nagiging ending nito sa isang relasyon. Wala na nga raw itong kahihiyang itinatago.

Ang sabi’y katorse anyos pa lang ang aktres na ‘to ay may boyfriend na, at ito pang girlitang ito ang pumupunta sa papa nya. Kaya sanay ng laging may kaulayaw.

Ngayon nakabalik-balik na naman ito sa sa limelight nagpapakatino kunwari, pero ‘wag ka dahil any moment ay aarya na naman ang kaelyahan nito. Kawawa naman ang kanyang ina na laging nakukunsumi sa kanya.

Well, ang sabi nga, kapag maaga raw nakatikim ng luto ng Diyos ay asahang mainit pa ito sa kumukulong tubig.

***

Victor Basa napahiya sa milyonaryang syota

MAY mga kumukwestyon sa pagkalalaki ni Victor Basa, sabi’y bading daw ito. Madalas nga siyang laman ng blind item ng ilan nating katoto. Pero wala makapagkumpirma sa kanyang umano’y pagka-beki. Intonses, tsismis lang ang lahat ng ito.

In fact, nag-e-enjoy ngayon si Victor sa kanyang syotang real estate heiress na si Divine Lee. Kung saan-saang lupalop daw sila nakakarating para magliw-aliw.

Kamakailan naging guest ang magkasintahan at ilan pang magkakaparehang celebrities’ sweethearts sa Kris TV ni Kris Aquino. Nung ibigay na sa kanila ang moment para makapagbigay ng magandang mensahe sa kanilang mga karelasyon, namula at napahiya si Basa nang pabirong sabihin sa kanya ng syota na ‘Parang…ang suwerte mo sa akin,’ sabi ni Divine sabay tawa at saka nito sinabi ang mga katagang tanda ng kanyang pagmamahal sa binata.

May katotohanan ang birong iyon kaya dapat tanggapin na lamang ni Vic dahil wala naman siyang magagawa.

Nagmahal siya ng isang anak ng tagapagmana ng milyones na salapi’t ari-arian. Ito nga raw ang gumagastos sa kanilang mga lakad. Ginagawa ba niyang sugar mommy ang kanyang GF? Hindi naman siguro. Nagmamahalan naman sila.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply