PUV binalaan sa pagpapatupad ng 20% discount

 

BINALAAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng driver at operator ng pampublikong sasakyan na mananagot kapag hindi ibinigay ang ipinapatupad na 20% para sa mga estudyante at senior citizens at may mga pisikal na pinsala sa katawan.

Sino man aniyang lalabag sa kautusan ay mahaharap sa multa at kanselasyo ng mga prangkisa.

Ang nasabing babala ay nag-ugat matapos na dumagsa ang reklamo sa ahensiya galing sa mga estudyante  at senior citizens na anilay hindi pagbibigay ng diskuwento ng mga drivers ng pampublikong mga sasakyan.

Ayon  kay LTFRB Board Member Atty. Manuel Iway, ang lalabag na driver at operator ng  public utility vehicle (PUV) gaya ng bus at jeepney ay pagmumultahin  ng halagang P2,000 sa unang paglabag,  P3,000 at  suspensiyon  ng prangkisa hanggang 60 araw sa ikalawang pagkakataon at P5,000 multa at kanselasyon ng prangkisa para sa ikatlong paglabag.

Kasabay nito nanawagan ang pamunuan ng LTFRB sa mga estudyante, mga senior citizens at mga may kapansanan sa katawan na ireport sa kanila ang mga drivers na hindi ngbibigay ng  discount sa pasahe.

Kaugnay nito siniguro ng (LTFRB) sa publiko na walang dagdag singil sa pamasahe ang mangyayari hanggang sa pagsasara ng klase ngayong taon.

Nakapending pa hanggang sa ngayon sa board ang hinihinging dagdag na singil sa pasahe ng ilang transport groups. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply