Puwebe bang maging magkaibigan ang lalaki at babae?

NANGYAYARI na ang babae ay nagkakaroon ng lalaking kaibigan.

Sa ilang pangyayari, isa ay nauuwi sa isa pang relasyong higit sa pagkakaibigan.

Minsan, sa simula ay nag-uumpisa ito sa pagde-date, at pagkatapos ay nagiging higit pa.

Iyan ang dahilan kung bakit sa isang pag-aaral mula sa Boise State University ay nagsasabi kung bakit ang ilang mga pagkakaibigang ito ay nananatili at ang iba naman ay sumasabog.

Nag-interbyu ang mga researcher ng mga taong may mga bagay para sa isang kaibigan at nauunawaan nilang mayroon pala silang mga ilang common factor sa kanilang friendships na nagtatagal.

Ito ang mga dahilan kung bakit:

Bawat isa ay gumagawa para rito.

Karamihan sa mga tao ay natatahimik kapag nalalaman nilang ang isang magkaibigan ay naging magkasintahan at nagiging magkaibigan ulit.

Pinananatili nila ang kahalagahan ng pagiging magkaibigan at gumagawa para sa samahan.

Gusto nilang maging magkaibigan.

Maaring nakaranas ka na ikaw ay nasa isang sitwasyon na nakadikit ka sa isang lalaki, na naglalaho lamang kapag nais ka niyang maka-date. Pero ang lalaking talagang may gusto sa iyo ay nananatiling nandidiyan lang sa tabi mo.

Nagtatapos ang relasyon.

Kapwa ang magkaibigan ay kinakailangang tumanggap ng mga damdamin na sila ay hindi pareho at dahil dito ay kailanga nilang makapag-move on.

Magkadikit sila bago pa man.

Kung ikaw at ang isang lalaki ay naging magkaibigan sa loob ng maraming taon, mas gusto ninyong maging friends na lang kaysa maghanap ng iba pa.

Pinag-uusapan ang mas malalim na isyu.

Sa pag-aaral, mas nakatutulong sa mga problema ng isa’t isa ang mga magkaibigang nag-uusap tungkol sa kanilang nararamdaman sa pamilya, trabaho at iba pa bilang isang magkaibigan.

Kaya kung ang best guy friend mo ay biglang mainlab sa iyo, huwag sabihin ang linyang, “Hindi pa ako handang makipagrelasyon ngayon.”

Maging tapat ka at bigyan siya ng kaunting panahon, ipaalam sa kanya na gusto mo talaga siyang makasama.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply