Puwersa ng Kano, pansamantala lang – M’cañang

PANSAMANTALA lang at walang paglabag sa batas ng Pilipinas ang pagdating ng mga karagdagang puwersa ng Estados Unidos.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, matagal nang ginagawa ang U.S-Philippine military exercises kaya hindi dapat manibago sa pabalik-balik na tropa ng Estados Unidos partikular sa bahagi ng Mindanao.

Aniya, bahala na ang DFA at DND kung kailangan ang tinatawag na terms of reference sa susunod na serye ng Balikatan Exercises.

Nauna nang inihayag ng Chief Executive na welcome sa kanya ang karagdagang U.S forces para sanayin ang mga sundalong Pilipino.

Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na consistent ito sa kanyang naunang posisyong “rotational basis” at sa nakalagay sa Saligang Batas.

Tiniyak niya na bukas ang Pilipinas sa pagbisita ng mga U.S navy ships at personnel para mag-refuel pero hindi puwede ang pakikisali sa anumang combat operations.

“The statement of the President is consistent with our position that any presence of the US will be on a rotational basis on the basis of VFA and also in line with our 1987 Constitution. That’s the bottom line by which we agree on any presence of the US here. And, for that matter, the reason why the President stated that they will be here on a rotational presence. Essentially, like you mentioned, they’ll be doing exercises—exercises and for training for our Philippine troops as well,” ayon kay Sec. Lacierda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply