QC assessor ipinatawag sa impeachment court

IPINATATAWAG ni Chief Justice Renato Corona sa pamamagitan ng kanyang abogado ang city assessor ng Quezon City upang tumestigo at isumite ang original at certified true copies ng tax declarations sa ari-arian ng punong mahistrado sa naturang lungsod.

Ayon kay dating associate justice Serafin Cuevas, kailangan ang testimonya ng city assessor ng Quezon City upang pasubalian ang paratang ng House prosecution panel na nakatala sa Article II ng Verified Complaint hinggil sa hindi pagdedeklara ng yaman ni Corona sa kanyang Statement of Assets and Liabilities and Networth (SALNs).

“In order to prove his utmost good faith in entering the valuation of his properties as declared in his SALNs and the truthfulness thereof, CJ Corona respectfully requests that this Honorable Impeachmerlt Court issue a Subpoena Ad Testificandum et Duces Tecum to the City Assessor of Quezon City, commanding him or her to appear and testify before this Honorable Impeachment Court on 13 March 2012 at 2 o’clock in tbe afternoon and everyday thereafter until the purpose stated in this Request shall have been fulfilled,” ayon kay Cuevas sa mosyon na inihain nitong Martes.

Ayon kay Cuevas, dapat atasan ng korte ang city assessor ng lungsod na dalhin ang original at certified true copies ng tax declarations na tumutukoy sa mga sumusunod na ari-arian:

(a) CCT No. N-35812, na ipinalabas ng Register of Deeds ng Quezon City, partikular para sa condominium Unit 21-D ng One Burgundy Plaza, Quezon City, na ipinalabas sa pangalan ng mag-asawang Renato C. Corona at Cristma R. Corona: (i) Tax Declaration No. D-056-09349;

(b) TCT No. RT-3191 (163660), na ipinalabas ng Register ng Deeds of Quezon City, partikular sa isang lupain na matatagpuan sa  Xavierville Ave., Quezon City, na ipinalabas naman sa pangalan ni Renato C. Corona, kabiyak ni Cristina R. Corona:

(1) Tax Declaration No. B-056-00169;
(ii) Tax Declaration No. D-056-01308;
(ill) Tax Declaration No. D-056-03442;

(c) TCT No. N-141891, na ipinalabas ng Register of Deeds ng Quezon City, partikular ang isang luapin na matatagpuan sa Xavierville Ave., Quezon City, na ipinalabas sa pangalan ni  Renato C. Corona, na ikinasal kay Cristina R. Corona:
(i)                 Tax Declaration No. D-056-02564;

(d) TCT No. N-254901, na ipinalabas ng Register of Deeds ng Quezon City, partikular ang isang lupain na matatagpuan sa La Vista, Quezon City, na ipinalabas sas pangalan ni Cnstina R. Corona, na ikinasal kay Renato Corona: (i) Tax Declaration No. D-078-05643; at

(e) TCT No. 85121, na ipinalabas ng Register of Deeds ng Quezon City, partikular para sa isang lupain na matatagpuan sa Ayala Heights, Quezon City, na ipinalabas sa pangalan ng mag-asawang  Cristina at Renato Corona: (i)                 Tax Declaration No. D-078-02378.

Gagamitin ng depensa ang naturang testimonya at ebidensiya upang pasubalian ang paratang ng prosecution sa Article 2 ng Verified Complaint.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply