QCPD cops: Tanga, bingi at patong

TATLONG klase lang daw ang pulis ng Quezon City: isang tanga, isang bingi at isang patong ng mga iligal katulad ng pasugalan at droga.

Ilan daw sa ating mga kapulisan dito sa Quezon City Police District (QCPD), partikular na ang mga opisyal, ang  nagtatanga-tangahan sa mga iligal na pasugalan at droga sa ka-bila ng alam na alam nila kung sino-sino ang mga operator nito.

Ginagawang tanga ng ating mga kapulisan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng panghuhuli  ng mga taong gusto lang nilang pagkakitaan ng malalaki.

Halimbawang  manghuhuli raw sila ng  mga pasugalan, pagkatapos nito, karamihan sa kanilang nahuhuli ay ang kawawang Juan de la Cruz na naparaan lang sa nasabing lugar.

Hindi na kailangan pang lumayo ang ating mga ka-pulisan dahil kung gusto talaga nilang manghuli ng mga operator ng iligal na pasugalan ay nasa harapan lang nila.

Dahil isang beses sa isang linggo ay nagpupunta sa Kampo Karingal ang mga untouchable na gambling lord para magbigay ng kanilang lingguhang “ulat.”

Abangan niyo na lang sa gate ng Kampo Karingal ang mga untouchable na gambling lord  na tulad nina alyas Kalabaw (jueteng at per-yahan); Lito Mayor (jueteng);  alyas Ini, asawa ng isang kagawad ng Brgy. Kruz na Ligas (color games at peryahan); Virgilio dela Pacion alyas Ver Bicol (lotteng at ending); Mandong Kalbo ng Brgy. San Vicente (jueteng) at marami pang alam kong kilalang-kilala ng mga opisyal ng QCPD.

Mga sir, huwag niyo namang gawing tanga ang inyong mga sarili, kayo rin baka matuluyan nga ang inyong pagiging tanga-tangahan at maging totoong tanga na nga kayo.

Kung hindi man tanga ang pulis ng QCPD ay bingi na-man sila sa lahat ng mga nangyayari sa kanilang paligid at ayon sa ating mga nakausap na pulis, sa loob ng Kampo Karingal ay mas  gugustuhin na lang daw nilang maging bingi kaysa makialam.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply