Quimbo itinangging ipinain si Aguirre

PINABULAANAN ni prosecution spokesman at Marikina Rep. Miro Quimbo na “planted” ang ipinakitang pagtatakip ng tenga ni Atty. Vitaliano Aguirre upang galitin ang senator-judges sa kasagsagan ng impeachment trial.

Ayon sa kongresista, may mga panahon naman aniyang hindi mainit ang ulo ni Senadora Miriam Defensor-Santiago subalit patuloy silang nagtitiwala na sa panahon ng botohan ay magiging patas ang senadora sa paghatol.

“Walang katotohanan na planted si Aguirre. Humihingi rin po kami ng pag-intindi sa impeachment court na kapag sinasabi namin na malakas ang aming kaso ay hindi nangangahulugan na pinangungunahan namin ang mga senador. Ito ang dahilan ng aming paghinto.

Ngunit aminado si Quimbo na apektado ang prosekusyon sa nangyari kahapon na panggigisa at tuluyang pagpapa-contempt kay Aguirre.

Ayon Quimbo, naiwasan sana ng maaga ang nangyari ngunit hindi naman nila mapipigil ang iba’t ibang saloobin ng private lawyers hindi tulad sa kanilang public prosecutors na sanay na sa panenermon at galit ng hukom.

Aniya, anuman ang maging kaparusahan kay Aguirre ay kanila itong dadamayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply