Rape suspect pa utas sa parak sa Maynila

PATAY ang isang 25-anyos na lalaking may kinakaharap na kasong rape sa Manila Regional Trial Court Branch 9 matapos mabaril ng pulis na kanyang inundayan ng saksak sa Sampaloc, Maynila kaninang madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Glen Clemente, residente ng No. 835 Geronimo St, Sampaloc, Maynila sanhi ng tinamong tama ng bala mula kay PO1 William Cristobal, nakatalaga sa MPD-station 4.

Ayon kay PO3 Bernardo Cayabyab ng MPD-Homicide Section, dakong alas-12:40 ng madaling araw kanina ng bawian ng buhay sa Ospital ng Sampaloc si Clemente.

Nauna rito, nabatid na nitong Marso 16 isinilbi ni PO1 Cristobal ang warrant of arrest kay Clemente kaugnany sa kasong rape na nakabinbin sa Branch 9 ng Manila RTC.

Sa imbestiagsyon, lumapit umano ang kaanak ng rape victim sa nasabing presinto nang makitang pagala-gala ang akusadong si Clemente, gayung non-bailable umano ang asunto nito sa korte.

Tumugon naman si PO1 Cristobal sa hiling na police assistance. Dakong alas-9:20 kahapon (Marso 16) ng umaga nang arestuhin ni Cristobal si Clemente habang nakaistambay sa Geronimo St. sa Sampaloc.

Pumalag umano si Clemente at nagawa pang undayan ng saksak si PO1 Cristobal na maswerteng nakailag sa saksak, kaya siya naman ang bumunot ng baril at dalawang ulit na pinaputukan ang una.

Tinamaan sa tiyan at tagiliran si Clemente atagad na isinugod sa nasabing ospital.

Ttinangka pang isalba ang buhay ni Clemente subalit binawian din ng buhay makalipas ang mahigit 15 oras.

Inilagak ang bangkay sa Gloria Funeral Homes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply