Rapist na nabaril ng pulis-Maynila patay na

BINAWIAN na ng buhay ang lalaking akusado sa kasong panggagahasa, nabaril ng isang pulis-Maynila makaraang manlaban kahapon, iniulat ng pulisya.

Nabatid na namatay kaninang tanghali sa Ospital ng Sampaloc si Glen Clemente, 25, miyembro ng “Bahala Na Gang” nabaril ng isang pulis sa kanyang tagiliran at tiyan.

Bago ang insidente, nabatid na isisilbi sana ng mga tauhan ng Station 4 ng Manila Police District (MPD) ang warrant of arrest laban sa suspek nang manlaban ito at tinangkang saksakin si PO1 William Cristobal.

Dahil dito kaya napilitan si Cristobal na paputukan si Clemente.

Pagkabaril sa suspek ay agad siyang dinala sa ospital subalit namatay din.

Ang napatay na akusado ang responsable sa panggagahasa at pagpatay sa isang pitong taong gulang na bata sa Maynila.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply