Rapist, nahiya sa kamanyakan nagbigti

HUMINGI muna ng tawad sa pagtawag sa telepono, bago nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang 20-anyos na estudyante dahil sa labis na kahihiyan nang tangkang gahasain ang kanyang pinsan sa Malate, Manila.

Nabatid na may ilang oras nang patay bago nadiskubre ang bangkay ni Ivan Lendl Paulino, ng 2011 Singalong St., Malate, 4:20 ng hapon kahapon sa loob ng kanilang bahay.

Nauna rito, tinawagan pa ng suspek ang kanyang 13-anyos na pinsang babae na tangkang gahasain saka humingi ng patawad at nangakong hindi na uulitin ang ginawang kapangahasan.

Matapos ang ilang oras ay nakita nang nakabigti ang binata gamit ang nylon cord.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply