Rapists, killers ng 7-anyos bata tukoy na

POSITIBO ang pulisya na ang hawak nilang testigo ngayon ang makapagtuturo sa tatlong armadong kalalakihan na dumukot, pumaslang at gumahasa sa pitong taong-gulang na babae na natagpuang naaagnas na sa isang sapa nitong Lunes ng umaga sa Parañaque City.

Ayon kay Chief Insp. Enrique Sy, hepe ng Investigation Division ng Parañaque police, posibleng panggagahasa ang motibo sa pagdukot sa biktimang si Clarissa Pizarra na iniulat na dinukot ng tatlong kalalakihan habang nakikipaglaro sa tatlong mga bata sa harap ng isang sari-sari store sa Tramo I, Barangay San Dionisio noong Pebrero 20.

Sinabi ni Sy na wala namang matinding kaaway ang magulang ng bata at lalong wala rin silang maibibigay na pambayad kung hihingi ng ransom ang mga suspek dahil vendor lamang ang ginang at magsasaka lamang ang amang si Feliciano.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na makaraan ang tatlong araw na pagkawala ng bata, tatlong sunod-sunod na mensahe mula sa magkakaibang numero ang natanggap ni Feliciano  na pawang nakasaad na matatapuan ang nawawala nilang

anak sa bunton ng mga water lily.

Lunes ng alas-10 ng umaga nang madiskubre ng ilang mga residente sa Medina Land Property sa Barangay San Dionisio ang naaagnas ng katawan ng batang biktima sa bunton ng mga lumulutang na water lily sa sapa ng Balitahar matapos umalingasaw ang masangsang na amoy ng bangkay

Positibong kinilala ng kanyang mga magulang ang bata, pati na ang kanyang suot na damit nang huling makitang buhay at nakikipaglaro sa kapwa bata.

Sinabi ni Sy na ilalabas nila ang carthographic sketch ng mga suspek batay sa

pagsasalarawan sa kanila ng hawak nilang testigo na nakakita nang itapon ang bangkay ng biktima sa sapa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply