Rayver Cruz, nagta-trust kay Cristine Reyes

NGAYON pa lang ay super excited na ang magandang young sexy actress na si Cristine Reyes dahil sa nakarating sa kanyang tsikang hinahanda na ang follow-up movie para sa all time box office hit nila nina Anne Curtis at Derek Ramsay na No Other Woman.

Siyempre pa, tulad na nang naunang pelikula ay may temang kaseksihan ito at may mga maiinit na love scenes. Tsika noong time na ginagawa pa lang ni Cristine ang movie ay selos to death na raw ang boypren niyang si Rayver Cruz lalo na sa love scene nila ni Derek Ramsay.

Ayon kay Cristine, hindi naman daw naaalis yung selos factor pero hindi naman daw nagiging mitsa ng pag-aaway nila ng boypren ang kani-kanilang showbiz career. Iba naman daw kasi ang trabaho sa personal nilang relasyon.

Madiing sinabi pa rin ni Cristine na malaki ang trust ni Rayver sa kanya at ganu’n din naman siya sa boypren. Maging si Cristine din ay may selos factor kay Rayver, ‘yun nga lang hindi sa ibang babae kundi sa Ipad na kinaaaliwan ngayon ng young actor.

Pagdating naman sa showbiz career ni Cristine, tsikang nagiging pihikan na raw siya sa mga movie na gagawin pagkatapos ng super success ng No Other Woman. Pero wala raw katotohanan ito, hindi naman daw kasi naghahangad si Cristine na mapantayan o mahigitan pa ang No Other Woman dahil para sa kanya isa na itong achievement sa kanyang showbiz careerat kung maulit man ang success nito ay isang malaking pasasalamat ang kanyang ibibigay pero hindi naman daw umaasa ang sexy actress.

oOo

MOYMOY PALABOY, BUBUWAGIN NA!

ISA pa ring tsika na naglagay ngayon sa alanganin sa matagumpay na tambalan ng You Tube sensation na Moymoy Palaboy ay ang kumakalat na isyung mabubuwag na raw ang kanilang tambalan. Madalas kasing napagkikita ngayon sa karaketan ang dalawa na hindi magkasama kung kaya hindi maiwasan na matsikang may hidwaan ang dalawa.

Sa isang panayam ay madiing sinabi ng isa sa Moymoy Palaboy na walang katotohanan ito at lalong hindi sila nag-aaway ng ka-partner, kung sakali man daw na may okasyon na napagkikita silang dalawa na hindi magkasama sa raket ay dahil open naman silang dalawa sa isa’t isa na gumawa ng sariling kareketan.

Say pa rin nito na bago pa man sila  makilala at gumawa ng mga ‘kalokohan’ video na pumatok sa You Tube ay may kanya-kanya na talaga silang trabaho. At simula nga nang nakilala ang grupo nila at naging abala sa karaketan at sa TV show na Bubble Gang ay nahinto na nga ang mga bagay na gusto nilang gawin bago pa man sumikat.

Ngayon na nabibigyan sila ng pagkakataon na magawa muli ang mga raket na ginagawa nila noon ay napagkasunduan ng Moymoy Palaboy na okey lang iyon ‘wag lang daw na maapektuhan ang raket nila bilang magka-partner.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply