Read mo ito DJ Mo!: Kung pambansang vagina si Rhian Ramos, pambansang dyuts ka naman (true or false?)

SA RECENT tweet ng ayaw pa ring tumigil na si DJ Mo, kinumusta pa nito ang babaeng tinatawag niyang Pambansang Vagina. Yes, halata namang si Rhian Ramos ang pinatutungkulan nito at da height ha?

Super below the belt ang iba pa niyang tweets like galit daw si Lord kay Rhian sa paulit-ulit nitong pagpatay (pagpapa-abort?). Ibang klase talagang nilalang ang lalaking ito napakaitim ng kanyang budhi (in fairness, mas maitim at karumal-dumal ang kaluluwa ni Ferminata. Hahahahaha! – Ed) at puro galit ang laman ng kanyang puso. Hindi man lang ba naisip ng bastos na DJ/TV host na ito na sa ginagawa niyang pagsira sa imahe ni Rhian ay lalo lang niyang sinasaktan ang kanyang sarili?

Kasi nga, mahal niya ang young actress kaya hanggang ngayon ay hindi siya makapag move-on. Papano pa siya babalikan ni Rhian, lahat ng sikreto nila noong sila pa ay ibinulgar na niya sa publiko?

Actually kung may katotohanan ‘yung abortion issue na sinasabi ng Mo Twister na ito ay damay rin siya dahil pinayagan niya si Rhian na gawin ito.

Hay naku! Sigaw tuloy ng mga parloristang bading na mga Rhian fanatics yata, kung Pambansang Vagina raw si Rhian ay dapat bansagan naman si DJ Mo ng Pambansang Dyuts! Madalas raw maging laman ng blind items ang sukat ng notes ng hambog na personalidad na ito na hindi carry mag-wear ng trunks sa beach dahil puro yagbols lang at waley bukol. Ka-turn-off gyud (Flawless naman teh, in fairness! Unlike kay Bubonika na parang lomod ang arrive! Hahahahahahahaha! – Ed)!

***

The Buzz laging nanggugulat sa televiewers tuwing Linggo

BIBLIYA nga ng showbiz people lalo na ng mga kapwa namin entertainment press ang world-class showbiz talkshow ng Kapamilya network na The Buzz, that’s being hosted by the finest talents ng ABS CBN na sina Kuya Boy Abunda, Toni Gonzaga at Charlene Gonzales.

Yes, dahil laging nanggugulat tuwing Linggo ang The Buzz sa kanilang mga pinasasabog na issue involving our famous celebrities like the two women of the hour Grace Ibuna and Janelle Manahan plus big revelation ni Gerald Anderson na he’s courting Sarah Geronimo.Lahat nang ito hanggang ngayon ay naglalabasan sa mga leading tabloid and broadsheet. Pinag-uusapan talaga ito sa kolum ng ating mga colleagues.

At bukas, tiyak na may malalaking controversies na naman ang papuputukin ng Asia’s King of Talk Kuya Boy, Ex Beauty Queen Charlene, na puwedeng bigyan ng panibagong title bilang Reyna ng Aminan.

Sa segment kasi nito umamin si Piolo Pascual na sila na ni KC Concepcion, ganoon na rin si Maja Salvador sa rebelasyon nitong matagal na sila ni Matteo Guidicelli at ngayon nga, si Gerald kay Sarah.

Siyempre, bidang-bida rin ang Multi Media Star na si Toni sa kanyang Fresh Buzz segment na kaaliw-aliw panoorin. Much awaited din ang Big Truth ni Kuya Boy na ayaw paawat sa mga expose ng guest celebrity. Mapanonood ang The Buzz at 4:00 pm sharp to 6:30 pm sa ABS-CBN-2.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply