Red tide sa Bataan lumalala pa

MAS lumalala pa ang sitwasyon ng red tide sa Bataan.

Ito ang inanunsyo ng isang eksperto na mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngayon.

Ayon kay BFAR regional red tide technician Perdita Eulle, lumabas sa pagsusuri na 469 micrograms ng red tide microorganisms ang nadiskubre sa bawat 100 gramo ng shellfish meat, na mas mataas sa tolerable limit na 60 micrograms.

Ani Eulle, simula pa noong Nobyembre 2011, ipinagbabawal ang pagkuha at pagkain ng shellfish na mula sa karagatan na sakop ng Bataan na kinabibilangan ng Balanga City at sa mga bayan ng Samal, Orion, Orani, Abucay, Hermosa at Mariveles, at maging sa karagatan ng Masinloc, Zambales.

Nabatid pa kay Eulle, na kapag kumain ng shellfish na mula sa mga nabanggit na lugar ay maaaring makaranas ng mga sintomas ng pagkalasonn sa loob lamang ng 20 minuto.

“Anyone who ingests shellfish meat with such level of toxicity will feel the symptoms of poisoning within 20 minutes,” pahayag nito. Kabilang sa inisyal na sintomas ay ang pangangapal o pagmmanhid sa parte ng labi, pagkahilo at pagusuka.

Payo pa ni Eulle na agad na isugod sa ospital ang biktima ng red tide, ngunit bago ito ay kailangan munang lapatan ng first aid sa pamamagitan ng pagpapa-inom ng kakang-gata o ang katas mula sa unang piga ng karne ng niyog para sumuka.

“There is no saying how long the red tide plague will be there, but the situation could last and there have been instances in the past when red tide persisted for years. In the case of Masinloc, red tide has always been an off-and-on situation,” pahayag pa nito.

Nagkakasa ang BFAR ng lingguhang eksmainasyon sa mga shellfish samples na mula sa mga apektadong lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply