Registration ng bagong negosyo sa QC, 30 minuto na lang

AABOT na lamang ng 30 minuto ang pagpoproseso sa pagrerehistro ng mga bagong negosyo sa Quezon City.

Ito ay sa pamamagitan ng pinalawak na proseso sa pagrerehistro ng negosyo sa pamamagitan ng inilunsad na Philippine Business Registry (PBR) system sa QC hall para magpabilis ang issuance ng dokumento.

Dati, may pitong procedural steps sa dokumentong ito para sa mga bagong negosyo sa lungsod.

“We hope to increase the competitiveness ranking of Quezon City with the adoption of this new system, mula sa 136th ranking, umaasa po tayo na tataas ang ating ranking mula 120th hanggang 100th sa panahon na ipinatutupad natin itong bagong sistema sa lungsod,” ani ni Mayor Herbert Bautista.

Ang PBR ay isang web-based system na in-adopt ng pamahalaan para sa mga business-related transactions para higit na mapabuti ang serbisyo sa publiko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply